Hindi ako, kundi si Kristo lamang Ang dapat na ibigi't itanghal; Dapat Siyang makita't mapakinggan Sa salita, gawa at isipan.
Hindi ako, kundi si Kristong hirag, Ang saluha't lungkot ay paparam; Siya ang sapasa'y magpapagaan, At magtataboy sa katakutan.
Walang salitang walang kabuluhan, Walang gulo na di kailangan; Wala ring Ako na masusumpungan, Kundi si Kristo't si Kristo lamang.
Hindi ako, kundi si Kristo lamang, Tumutustos sa bawa't kailangan; Siya lang ang lakas ko't kalusugan; Si Kristo lang, dito't kailanman.